Featured

Pooled Funds eBook by Rex Holgado

Share on FacebookTweet about this on Twitter

 

  • Most of us, putting a portion of our income in the bank is our sole strategy for weathering emergencies and meeting our future needs.
  • Your savings in the bank alone may not be enough to buy you “financial security”.
  • Fortunately, there are other ways to make your money grow.
  • One of the best solutions is to invest in Pooled Funds


Read also: http://www.alkansiyanijuan.com/financial-fitness-tips/


Share on FacebookTweet about this on Twitter

Bibili ka ba ng life insurance? Part 2

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Continuation of: Bibili ka ba ng life insurance? Part 1

6. Hindi lahat ng insurance agents marunong. Hindi lahat ng insurance agents mabait. Tandaan, hindi pwedeng wala kang alam, mag-aral. At least ngayon aware ka na.

6.1 Hindi lahat ng sasabihin ng insurance agent mo, totoo. Hindi lahat ng sasabihin ng insurance agent mo, tama.

6.2 May mga insurance products kung saan sila nakakakuha ng mas malaking commission. Maging listo, para ba talaga sa’yo ang inooffer niya o para sa bulsa niya. Siyempre sasabihin nila para sa’yo, kaya dapat alam mo.

6.3 Bago pa bumili, interviewhin mo na ang prospect agent over e-mail, Facebook, IM, etc. Damihan mo na ang tanong, subukan mo na ng maaga ang karunungan at bait niya. Marami diyan walang pasensiya. Gusto lang makabenta. Kahit gusto mong tusukin sa mata, huwag. Baka mamaya di pa ‘yan insured.

6.4 Know what to look for a good insurance company and good insurance agent. Read this: http://bit.ly/1L4MOP0. Uulitin ko, read that. 

6.5 Mag-ingat sa mga nagsasabing “financial literacy advocate” daw sila. Una, baka di naman sila financially literate para maging advocate. Pangalawa, baka advocate din ‘yan ng pyramiding madamay ka pa. Ingat sa hidden agenda, dami niyan…


>> www.insurance.gov.ph

7. Kapag may reklamo ka sa insurance agent, ireklamo mo sa insurance company. Kapag walang action o may reklamo ka rin sa insurance company ireklamo mo na sa Insurance Commission. Mabagal sila sumagot, at least sumasagot. Ang point, matuto tayong magreklamo. Tapos na po ang martial law. Pwede na tayong magreklamo. Tandaan niyo pera niyo ‘yan.


8. Kung Philippine insurance plan ang bibilhin mo, sa Pilipinas ka pumirma ng application. Huwag sa abroad, kundi “void” ‘yan.

Biktima ka? Manghingi ng official acknowledgement mula mismo sa insurance company kung tatanggapin nila o hindi ang application mo and would be considered as “valid”. Kung valid i-attach niyo ang statement ng kumpanya sa policy niyo. Kaya huwag pirma ng pirma, baka mamaya alagad ni Napoles ‘yang nagpapapirma sa inyo.


9. Basahin niyo ulit ang policy niyo. Most of the time marami kayong madidiscover dun na di niyo pa alam o naiinindihan ng lubusan. Sana lang maganda madiscover niyo. Baka madiscover niyo na mali pala ang mga nakalagay diyan sa napag-usapan. Kung may hindi namn naiintidihan, ask your agent to explain. Magtanong-tanong din sa iba, nandyan naman ang The Global Filipino Investors (TGFI) community to help you, baka kasi mamaya mali rin ang explanation ng agent mo.


10. Sa dami ng reminders na binanggit ko walang kwenta ‘yan kung kakalimutan mo. At hindi lang ito ang mga kailangan mo bilang paalala. Ito ay base lamang sa mga natutunan at naexperience ko na. Kaya huwag mo kakalimutan na pag-aralan pa ang tungkol sa insurance. Maaari ka ring magtanong-tanong sa Pinoy Insurance Talk.

Good luck!


Image credit: insurance.gov.ph


Share on FacebookTweet about this on Twitter

Bibili ka ba ng life insurance? Part 1

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Reminders para sa mga bibili ng life insurance plans:


1. Huwag basta basta makikinig lang sa recommendations. Manghingi ng recommendations at aralin kung applicable sa sarili at kung maganda nga ba talaga.


2. Bago manghingi ng recommendations dapat alam mo kung magkano ang alloted BUDGET mo, kung gaano kalaking coverage ang hinahanap mo at anu-anong COVERAGES ang gusto mo.

2.1 BUDGET – totoong mas malaking coverage mas maganda pero siyempre may kaakibat ng presyo ‘yan, ang tanong nalang kaya ba ng budget mo

2.2 COVERAGES – life, accident, hospitalization ~ marami ‘yan, ang tanong ulit kung gusto mo lahat ‘yan kaya ba ng budget mo


3. Investment-linked (VUL) o Term? Balik sa Reminder 1. Know your options. Study different insurance products. Aral aral muna. Gusto mo bang masayang ang pera mo? Ako ayoko.


4. Hindi ibig sabihin kapag nakabili ka na ng isang policy ay hindi mo na dadagdagan. Lumalaki ang pamilya mo/madadagdagan ang dependents mo, dadami ang mga ari-arian mo, at malamang kulang pa ang unang sum assured ang nakuha mo. Again mas malaking coverage mas maganda. Napaisip ka? Balik sa Reminder 2.1.


5. Hindi raw lahat kailangan ng insurance. PERO,

5.1 Kung may assets ka more than P200k in combined worth dapat sigurado kang may pangbayad ng estate tax ang mga tagapag-mana mo.

5.2 Hindi libre paospital. Siguraduhin mong may pangbayad ka sa ospital kung kailanganin. Hindi rin libre ang burol at palibing. Siguraduhin ding may panggastos ang mga maiiwan. Now you know.


Continue to: Bibili ka ba ng life insurance? Part 2


Share on FacebookTweet about this on Twitter