Bibili ka ba ng life insurance? (Part 1)

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Reminders para sa mga bibili ng life insurance:


1. Huwag agad-agad susunod sa mga random recommendations. Manghingi ng recommendations pero aralin muna kung applicable ba talaga ito sa’yo, kung pasok ba budget at sa kailangan mo.


2. At bago manghingi ng recommendations dapat alam mo kung magkano ang alloted BUDGET mo, kung gaano kalaking coverage o FACE AMOUNT ang kailangan mo at anu-anong BENEFITS o riders ang gusto mo.

2.1 BUDGET – Tandaan: most insurance policies are long term commitments, dapat sure ka na yung kukunin mo kaya mong bayaran regularly and for certain number of years. Pwede kasing makansela ang policy mo kapag may na-miss kang premium payment.

2.2 FACE AMOUNT o coverage – totoong mas malaking insurance coverage at mas maraming benefits mas maganda pero siyempre may kaakibat ng presyo ‘yan, ang tanong kaya ba ng budget mo?

2.3 BENEFITS o riders – life, accident, hospitalization, waiver of premium payments—marami ‘yan na mapapakinabangan mo, ang tanong nalang ulit kung kukunin mo lahat ‘yan ay kaya pa ba ng budget mo?


3. Investment-linked (VUL) o Term? Balik sa Reminder 1. Know your options and understand them. Study different insurance products, aral muna. Gusto mo bang masayang lang ang pera mo dahil ‘di mo pala gusto o hindi pala swak sa kailangan mo ang napili mo? Ako ayoko.


4. Hindi ibig sabihin kapag nakabili ka na ng isang policy ay hindi mo na kailangan bumili pa ulit o dadagdagan. Lalaki ang pamilya mo/madadagdagan ang dependents mo, dadami ang mga ari-arian mo, at malamang kulang pa ang unang insurance coverage ang nakuha mo para sa kasalukuyang kailangan mo. Again, siyempre mas malaking coverage mas maganda. Napaisip kang kumuha na ulit? Balik sa Reminder 2.1.


5. Hindi raw lahat kailangan ng insurance. PERO,

5.1 Kung may assets ka na mahigit sa P200k in combined worth, dapat sigurado kang may pangbayad ng estate tax ang mga tagapag-mana mo. Ang combined assets na less than P200k ay kasalukuyang exempted sa estate tax.

5.2 Hindi libre mag-paospital. Siguraduhin mong may pangbayad ka o ang mga kapamilya mo. Hindi rin libre ang burol at palibing. Siguraduhin ding may panggastos ang mga maiiwan sakaling mangyari ito. Ang sad noh? Mamamayapa ka na, may gastos ka parin. Ang point is, may mga life insurance na may riders for critical illness, ibig sabihin kapag na-diagnose ka ng cancer o iba pang critical illnesses ay makakatanggap ka agad ng insurance proceeds, pwede itong magamit sa mga gagastusin mo sa ospital. At sakaling pumanaw ka, ‘wag naman muna sana, pwede ring makatulong ang matatanggap na proceeds sa mga gastusin ng pamilya mo.


Continue to: Bibili ka ba ng life insurance? Part 2


Image credit: flinsurancespecialists.com

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.