Bibili ka ba ng life insurance? (Part 2)

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Continuation of: Bibili ka ba ng life insurance? Part 1


6. Hindi lahat ng insurance agents marunong. Hindi lahat ng insurance agents kapakanan mo ang iniisip. Tandaan, hindi pwedeng wala kang alam, kaya dapat mag-aral. At least ngayon malalaman mo na kung peperahan ka lang ng ahente mo.

6.1 Hindi lahat ng sasabihin ng insurance agent mo, totoo. Hindi lahat ng sasabihin ng insurance agent mo, tama. Isulat o i-record mo ang mga magiging paliwanag niya para maaral mong mabuti yung ipopropose niyang insurance product/s. Read the fine print and compare to his or her previous explanations. Aralin mong mabuti kung ‘yung binibigay ba niya ay pasok sa budget at kailangan mo.

6.2 May mga insurance products kung saan sila nakakakuha ng mas malaking commission. Maging listo, para ba talaga sa’yo ang inooffer niya o para sa bulsa niya. Siyempre sasabihin muna nila para sa’yo, kaya dapat alam mo. Tandaan mo, magiging long-term ang relationship mo sa ahente mo.

6.3 Bago pa bumili, interviewhin mo na ang prospect agent over e-mail, Facebook, IM, etc. Damihan mo na ang tanong, subukan mo na ng maaga ang kaalaman at ang intensiyon niya. Marami kasi diyan walang pasensiya, gusto lang talaga makabenta.

6.4 Know what to look for a good insurance company and good insurance agent. Read this, Insurance Commission’s Market Conduct Guidelines: http://bit.ly/1L4MOP0. Uulitin ko my friend, read that. 

6.5 Mag-ingat sa mga nagsasabing “financial literacy advocate” daw sila. Una, baka di naman sila financially literate para maging advocate. Pangalawa, baka advocate din ‘yan ng pyramiding ma-POWER ka lang. Ingat sa mga hidden agenda, maraming ganyan …


>> www.insurance.gov.ph

7. Kapag may reklamo ka sa insurance agent, ireklamo mo muna sa insurance company. Kapag walang action o may reklamo ka rin sa insurance company ireklamo mo na sa Insurance Commission. Mabagal sila sumagot, pero at least ngayon sumasagot. Ang point, matuto na tayong magreklamo. Tandaan niyo pera niyo ‘yan, perang pinaghirapan.


8. Kung Philippine insurance policy ang bibilhin mo, sa Pilipinas ka pumirma ng application at huwag sa abroad, kundi “void” ‘yan.

Biktima ka? Manghingi ng official acknowledgement mula mismo sa insurance company kung tatanggapin nila o hindi ang application mo and would be considered as “valid”. Kung valid, i-attach niyo ang statement ng kumpanya sa policy niyo at huwag ito iwawala. Kaya huwag pirma ng pirma, baka mamaya scammer na pala ‘yang nagpapapirma sa inyo.


9. Basahin niyo ulit ang policy niyo. Most of the time marami kayong madidiscover dun na di niyo pa alam o naiintindihan ng lubusan. Sana lang maganda ang mga madidiscover niyo. Baka madiscover niyo na mali pala ang mga nakalagay diyan sa napag-usapan niyo ng ahente mo. Kung may hindi naman naiintidihan, ask your agent to explain. Magtanong-tanong din sa iba, nandyan naman ang The Global Filipino Investors (TGFI) community to help you, baka kasi mamaya mali mali rin ang explanations ng agent mo.


10. Sa dami ng reminders na binanggit ko walang kwenta ‘yan kung kakalimutan mo. At lalong walang kwenta ‘yan kung hindi ka naman pala magpapa-insure. Hindi lang ang mga ito ang kailangan mo bilang paalala. Ito ay base lamang sa mga natutunan at naexperience ko na. Kaya huwag mo kakalimutan na pag-aralan pa ang tungkol sa insurance. Maaari ka ring magtanong-tanong sa Pinoy Insurance Talk. Again, tandaan lahat ng aking mga paalala. Kung may tanong ka, just comment below and I will try to answer.

Good luck! 🙂


Want to know more about life insurance? Read this: Mindful Pockets


Image credit: insurance.gov.ph

Share on FacebookTweet about this on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.